Iloilo Naitala ang Kauna-unahang Kaso ng Omicron
Eugenie A. Baluran
Kinumpirma ng Iloilo City Health Office (ICHO) ang unang kaso ng COVID-19 Omicron variant sa isang 46-anyos na lalaking seafarer mula sa distrito ng Arevalo, Enero 5.
Matapos makatanggap ng ulat noong Enero 4, natunton ng City Epidemiological Surveillance Unit (CESU) na ang hindi pa nabakunahang pasyente ay unang dumating sa Pilipinas mula sa Kenya noong Disyembre 16 at bumiyahe mula Cebu patungong Iloilo City noong Disyembre 24 kung saan siya naka-home quarantine agad.
“We were really trying to let him disclose what really happened last Christmas Day, but he stood by his words that he celebrated Christmas alone because he believed that he was under quarantine,” sabi ni Dr. Marigold Calsas, pinuno ng CESU.
Inilipat ang pasyente sa quarantine facility ng lungsod matapos lumabas na positibo ang kanyang RT-PCR test noong Disyembre 27 sa ikatlong araw ng pagiging home quarantined at sa karagdagang pagsusuri sa ilalim ng Philippine Genome Sequencing Center, ang specimen nito ay nagpakita ng positibong resulta ng Omicron variant.
"All data will be updated as soon as we further investigate the Omicron case through our health personnel, the Department of Health (DOH), and contact tracers as the patient has alleged he had no close contacts," dagdag ni Calsas.
Ang lungsod ay nakapagtala ng kabuuang 16 na kaso noong ika-apat ng Enero kung saan karamihan sa mga kaso ay may travel history.
Published: April 19, 2022