Daplis ng Tapang at Tamis DAPLIS NG TAPANG AT TAMIS Somewhere between the cheers and constant support is the entitlement that fuels obsession
Pia Victoria E. Graza
Mariing pinino ang mga butil na siksik, pinuno ng nagkakandarapang kulo ng tubig, hinalo ng malumanay hanggang dumaplis sa ilong ang kaniyang halimuyak- natatangi at walang kapantay.
Arabica. Robusta. Exelsa. Liberica. Ito ang apat na uri ng butil ng kape na talamak sa bansa. Sa pagpatak ng bukang liwayway hanggang sa pag dungaw sa dapit hapon, kape ang pumapawi sa ating pasanin. Hindi alintana ang pagkawala ng bagoong at tuyo sa mesa sapagkat tapang ang nananaig sa malumanay na paghigop. Dumating man ang iba’t ibang uri ng inumin habang hinaharap ang modernisasyon, hindi kailanman lalamig ang kapeng sinubok ng panahon.
SIGLA NG DALAWANG SIGLO
Nakaukit noong taong isang libo at walong daan ang pamamayagpag ng Pilipinas bilang isa sa apat na malalaking bansang pinagkukunan ng kape. Lumipas ang ilang taon at tinamaan ng ‘coffee rust’ o halamang singaw ang mga butil ng bansang Africa, Brazil, at Java na nagdulot ng pagbagsak ng kanilang imperyo, at pagbibigay daan sa dominasyon ng Pinas bilang sentro at tanging produksyon ng kape.
Umagos ang biyaya sa mga magsasakang uhaw habang patuloy na uminit ang pagtaas ng ekonomiya at agrikultura sa bansa ngunit hindi nagtagal ang sikat ng araw sapagkat natamaan rin ng singaw ang butil ng pagasa. Ayon sa Philippine Coffee Board, natuon ang pansin ng mga magsasaka sa ibang pananim dahil sa lubhang pagkalugmok sa produksyon ng kape.
“When coffee rust hit in 1891, the remaining Lipa coffee farmers abandoned this crop and shifted to alternative agricultural products. Since Batangas was a major producer of coffee, this greatly affected national coffee production. In two years, coffee production was reduced to 1/6th its original amount. By then, Brazil had regained its position as the world’s leading producer of coffee.”
Naudlot man ang kadakilaan, patuloy pa ring nagsusumikap ang bawat Pilipino na pagyamanin ang lupang umusbong sa ating kasaysayan. Ito ang nagpapatunay na hindi lamang dugong Pinoy ang dumadaloy sa ating ugat dahil sumasabay rin sa agos ang inuming kasangga ninuman- ang mainit na kape.
ANIM NA DEKADANG TIMPLA
Ang paghain ng tasa ng pagasa simula 1954 ng tinaguriang isa sa mga pinakamatandang kapehan sa syudad ng Iloilo, ang RJ Kapehan na mas kilala ngayon bilang Jean & Juv’s Coffee House ay nag-iwan ng pagkakakilanlan sa panlasa ng mga Ilonggo mula noon hanggang ngayon.
Taas noo nilang ipinagmamalaki ang kanilang timpla na hango sa lokal na butil na mano manong ginagawa ng may ari na sina Gng. Jean J. Dela Cruz at kanyang yumaong asawa na si G. Romeo Dela Cruz. Bitbit ni Gng. Dela Cruz ang pamamaraan sa pagluluto kung saan mariin niyang binusa at pinakuluan ang butil hanggang kumawala ang singaw sa kusina. Unti unti nitong sinasayaw ang kapihan hanggang pupukaw sa iyong pagkatao ang kaakit akit na sariwang amoy at aroma.
“When I entered the place, I felt the homey vibe since the people are very welcoming. I can really see on the corner the intricate process of how they make their best-selling coffee. This place is a haven since I felt relaxed, satisfied, and chill,” saad ni Angel Octoso habang nakangiting iniinom ang kapeng nagpaparamdam ng kaginhawaan sa kanyang nadarama.
Ayon kay Gng. Dela Cruz, apektado sila ng husto ng pandemya ngunit ang pagbabalik ng kanilang mga suki ang pumapawi sa kanilang nadarama. Naghahain na rin sila ng iba’t íbang pagkaing mainam ipares sa kape. Ang siksik na halimuyak ng lokal na kape ang legasiyang iniingat ingatan ng kapehan.
“The legacy will be the ingredients and process of preparing our very special native coffee. We will pass this down to our future generations so that we can preserve the culture of making native coffee.”
Ito ay hindi lamang simpleng pahayag ni Gng. Jean J Dela Cruz, may-ari ng Jean & Juv’s Coffee House sapagkat napatunayan na ng kanilang anim na dekadang serbisyo na tuloy tuloy ang pag agos ng kape sa bawat taong hangad ang tanglaw
DALAWAMPUNG LIBONG KAPE-SANAN
Habang mariin nating tinatahak ang bakas ng nakaraan, hindi natin namamalayan na binabaybay na pala natin ang dapyo ng kasalukuyan. Dito mas urbanisado ang pamumuhay at lahat ng bagay ay maaaring maisakatuparan sa teleponong maalam. Sa pagdampi ng hintuturo sa malaking iskrin, isang pamayanan ang unti unting bumuklod. Itinatag noong 2019, pumapalo na sa dalawampung libo ang miyembro ng isang kapemilya sa Facebook na “Kape Ta, Iloilo!”. Dito malaya ang bawat isa na magbahagi ng kahit anong anggulong dumidirekta sa anino ng kape, kapehan, at mga magsasakang handang maghain ng butil sa mesa. Sa kabila ng mga sikat na inumin, nanindigan si G. Winston Lee, patnugot ng nasabing grupo na hindi kailanman matatakpan ang aninag ng matapang na butil lalo na’t siksik ang pagmamahal ng mga Ilonggo sa kapeng puro at purok.
“Iloilo is one if not the most dense Coffeeshop in the country,” ani ni G. Lee. Sa kabila ng kasikatan at lawak ng madlang nasasagamsaman, mas nananaig ang pagkakapatiran ng bawat miyembro. Ayon kay G. Lee, sumasagawa sila ng pagbibigay regalo tuwing pasko at handaan.
Published: April 25, 2022