Sports

“Magreretiro ako” – Obiena sa PATAFA

Meryl B. Babol

Ipinahayag ni Philippine National Athlete Ernest John (EJ) Obiena ang kaniyang balak na magretiro sa pagiging isang pambansang atleta kapag hindi umano babawiin ng Philippine Athletics Track and Field Associaton (PATAFA) ang alegasyong ibinato sa kanya, Martes, Nobyembre 23.

Sa isang pahayag, iginiit ni Obiena ang pagkagulat sa pabago-bagong isyung ibinabato sa kaniya ng PATAFA mula sa pagdespalko umano niya ng pera na kalaunay humantong sa hindi niya pagbabayad sa tamang oras sa tagasanay nitong Ukranian na si Vitaliy Petrov sa nakalipas na tatlong taon.

“PATAFA accused me, in writing, of committing seriouscries of embezzlement and outright “theft” of monies intended for my coach, Vitaliy Petrov. After Vitaliy himself appeared live in the press conference on November 20, refuting these allegations, now they suddenly changed the written accusations.Instead of admitting they were wrong, they now change the subject: Now the issue is, apparently, I perhaps did not pay Petrov ‘on time’”, saad ni Obiena.

Ayon sa kay PATAFA President Phillip Ella Juico sa pahayag nito sa ANC’s Headstart, pinabulaanan nito ang naging pahayag ni Obiena at kinumpirma na nakapagbayad na umano ito kay Petrov ngunit patuloy nitong kinukuwestiyon kung bakit nahuli ng pagbayad si Obiena sa tagasanay nito kung mayroong mga liquidation forms na isinumite sa nakalipas na tatlong taon.

“Ang tanong bakit may liquidation noon na binayaran noong 2018, 2019, 2020, 2021? Ngayon, iyon ang gusto namin malaman. Anong nangyari,” ani Juico.

Inamin naman ni Obiena na hindi nga ito nakapagbabayad sa tamang oras dahil nahihirapan ito sa dami ng mga dokumentong dapat niyang iproseso para mabayaran ang kaniyang buong kasamahan.

Giit pa niya, “I have already admitted I am a pole valuter---not an accountant” sa inilabas nitong pahayag sa kaniyang Facebook account, “The real question is, why doesn’t PATAFA do their job and pay the coaches directly allowing me to focus on training rather than accounting? They put all the burden on me to perform all administration which I truly believe is not my job”, dagdag pa ni Obiena.

Nagpahayag naman ng kanilang saloobin ang Philippine Sports Commission (PSC) na nais nitong magkaroon ng pagninilay-nilay at paanyayahan ang dalawang kampo na magharap upang mailabas ang katotohanan sa likod ng isyung nag-tinta sa industriya ng sports sa bansa.

“We now demand the parties to refrain from issuing statements to the public and on social media. We hope the imposition of this moratorium will allow this proposed dialogue a chance to help all of us arrive at a proper resolution on this matter”, pahayag ng PSC.

Sa usapin naman sa pagsasampa ng kaso ni Obiena laban sa PATAFA, sinabi nito na handa siyang maghain ng kaso laban sa mga paratang ibinabato sa kanya.

“I will clear my name. I will raise all legal challenges and I want this to put into a court of law where all evidence must be exposed. Patafa keeps saying they have a signed written complaint from Vitaly Petrov. Vitaly claims the exact opposite”, ani Obiena.

Dagdag pa ng National pole vaulter, “Clearly, I am not wanted” sa kaniyang pahayag, “Just say the word, and I will formally retire from Philippine Athletics and being any part of PATAFA”. Sa kasalukuyan, si Obiena lamang ang tanging Asyanong pole vault record holder at panganim sa buong mundo.

Published: April 25, 2022