COMELEC, Nagtala ng mga Bagong Alituntunin sa New Normal
Nicole Rose D. Fenita
Sa pagsisimula ng kampanya ng mga kandidatong tumatakbo para sa pambansang posisyon ngayong araw, ang Komisyon sa Halalan (COMELEC) noong lunes, ika-7 ng Pebrero, ay nagpahayag ng mga alituntunin at paghihigpit na ipapatupad para sa personal na pagkampanya sa loob ng 90 araw na magsisimula ngayon.
Ayon kay Comelec Education and Information Department Director Elaiza David, ang mga patnubay sa pangangampanya ay higit na kakaiba sa pangkaraniwang panuntunan bago pa man nagsimula ang pandemyang hatid ng COVID-19.
“The candidate can no longer do whatever pleases, like an in-person campaign […] we have to maintain or observe the so-called minimum public health standards,” aniya ni David.
Bukod pa dito, nabanggit din ni David na ang bawat aktibidad ay kailangang ma-aprubahan muna ng bagong likhang National Comelec Campaign Committee, kung saan ang pangunahing tungkulin nito ay ang pangangasiwaan ang kampanya sa halalan sa ilalim ng “new normal.”
Ang bagong tala na komiteng ito ay pinamumunuan ni Commissioner Rey Bulay habang si Director Elaiza David naman ay siyang punong kalihiman. Ito ay binubuo rin ng Kagawaran ng Kalusugan, Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, Sandatahang Lakas ng Pilipinas, at ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.
Sa kabilang dako, ilan sa mga naitalang alituntunin ay ang no physical contact – kung saan bawal ang pagbibigay ng pagkain, tubig, at kung anu-ano pa; permit to rally – kailangang kumuha ng permit sa pagsasagawa ng rallies at caravan; e-rallies – ayon sa COMELEC ay magkakaroon ng live-streaming ang mga kandidato simula ngayong araw, ika-8 ng Pebrero; at number of candidates for the national positions – mayroong sampung kandidatong tumatakbo bilang presidente at siyam naman ang nasa bise-presidente, gayunpaman, mayroong 64 na aspiranteng maging senador na siyang magpapapili sa 12 upuan sa senado at 178 na kandidato naman sa party-list ang tumatakbo.
Published: April 19, 2022